naalala ko nung unang nagpatattoo ako SUPERMAN na pagkaliit liit sa edad na 16 naisipan ko magpalagay sa likod udyok ng kaibigan at kantsawan akala ko pag may tattoo ako cool na ako sa paningin ng tao wala pa sa isip ko na oo nga pala pang habang buhay na ang pinalagay ko. tuwang tuwa ako sa maliit na superman ko hangang sa nadagdagan ang tattoo ko at unti unti ko naiisip na ang tanga ko pala bakit palagay ako ng palagay ng hindi nag iisip maigi. nagsisi ako sa designs na pinalagay ko hanggang sa unti unti ko itong pinaayos pina-cover up ko ang superman ko ng cross at ang pinapalagay ko na ay may mga kahulugan na. sa pagpapatattoo mahalagang isipin mo kung ano nga ba ang gusto mo kung maganda ba ito o hindi dahil pang habang buhay na ito at hindi maaalis ng basta basta. mas mahal mag paalis ng tattoo kaysa magpalagay. kaya payo ko sa mga gusto mag patattoo pag isipan maigi ang design at pumili ng mahusay na artist.
